Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is AKT

Real Name: Nico Lachor
Alias: AKT (AnkoritoKalasTurnilyo), Nico
Birthdate: January 17
Occupation: Rapper, Songwriter, Author, Psychologist, former Battle Emcee
Reppin: SKRMSHTRXXPZ

Nico a.k.a AKT Biography

Si Nico Nachor na mas nakilala natin sa stage name nyang AKT o AnkoritoKalasTurnilyo ay isang battle emcee sa liga ng Fliptop na tubong Mariveles, Bataan.

Hinangaan sya ng mga fans ng Fliptop ang kanyang pagiging in character na tila isang baliw habang nakikipagbattle pati na rin ang mga rebuttals nito.

Sa mga hindi nakakaalam, si Nico ay isa ring author at ang kanyang unang release ay ang librong Peenoise Book ni: Mang Kalas.

Maari na ring mapakinggan ang album ni Nico na Straight Outta System. Ang S.O.S., Brainbox, Woke Up Like This, at Rabbithole ay ilan lang sa track ng nasabing album.

Controversy

Ang battle rapper na si AKT ay naging laman at usap-usapan sa internet dahil sa naging laban nila ni Poison13 sa Fliptop. Sa battle na ito ay inexploit nya si Anygma, at minaliit ang mga battle MC’s na sumasali dito. Read: AKT, dinamay si Anygma sa kanilang Fliptop battle ni Poison13

Matapos ang nangyari, sa isang interview kay Nico, tinanong sya kung sakaling pagbigyan sya ulit ni Anygma na lumaban sa Fliptop, ay sino ang gusto nitong makalaban ngunit ang response nya dito ay kung magkano daw muna ang ibabayad sa kanya. Read: Nico aka AKT, magkano daw muna bayad para lumaban ulit sa Fliptop