Who is REN aka Balasubas
Real Name: Ren Espares
Alias: Rentaro, REN, Balasubas
Birthdate: February 23
Occupation: Rapper, Songwriter, Recording Artist
Reppin: Skye Productions, BPlan, fr. Sundalo ng Dongalo
REN aka Balasubas Biography
Si Ren Espares na nauna nating nakilala bilang si Balasubas ng Dongalo ay tubong Puerto Galera, Oriental Mindoro at nakatira ngayon sa Mabalacat, Pampanga.
Matatandaang isa sya sa pinakaaktibong sundalo ni Andrew E na unang tumitira o nagtatanggol sa mga oldschool ng Dongalo. Ngunit ngayon ay lumipat na at nasa ilalim na sya ng SKYE Productions/Sony Music Philippines matapos sya pumirma dito ng kontrata.
Nagsimula si Ren sa pagsulat ng kanta taong 2013 at ito ay love song na ina-upload nya sa Facebook. Nagtuloy tuloy lang sya sa paggawa ng kanta hanggang napansin siya ng Dongalo Wreckords at naging bahagi nito bilang isang Dongalo Soldier.
Naging maingay ang pangalang Balasubas dahil sa malulupit nitong bars lalo na sa mga disstrack at kakaibang flow nya kaya ganon na lang kabilis ang pagdami ng tagahanga nito. Ang track nyang “Walang Respeto” ang isa sa pinakatumatak na kanta sa mga fans.
At matapos nga ang pagsign ni Ren sa Sony kasama sina HBOM at Michael Bars ay sunud sunod na rin ang pagrelease nya ng mga kanta sa ilalim ng nasabing label at isa na rito ang kanta nyang “Paraiso“.
Controversy
Bago mapunta sa Sky Productions at Sony Music Philippines si Ren, ay nanggaling muna ito ng Dongalo Wreckords ni Andrew E, ayon mismo sa kanya. Inalok daw sya umano ng kontrata ni Andrew E ilang linggo matapos lumabas ang kanta nyang “Walang Respeto”. Ayon din kay Espares ay walang inalok na pera ang founder ng Dongalo kung kaya naman, bilang pamilyadong tao at maraming bayarin ay mas pinili nya ang maging malaya at pumirma ng kontrata sa ibang label. Ang istorya na ito ni Ren ay pinabubulaanan naman ng mga Dongalo Artists kaya naman hanggang ngayon ay hindi nya makasundo ang mga ito. Mapapanood ang mga claim na ito ni REN sa video na ito “REN aka BLSBS, tungkol sa usapan nila ni Andrew E, kontrata at kung bakit sya umalis sa Dongalo”