Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is SLIZ

Mhicaela "SLIZ" Marbella

Real Name: Mhicaela Marbella
Birthdate: May 5, 2003
Alias: SLIZ
Occupation: Singer, Rapper, Songwriter, Product Endorser

SLIZ Biography

Si Mhicaela Marbella na mas nakilala sa kanyang stage name bilang si SLIZ ay isang singer/rapper, songwriter at product endorser na mula sa Dasmarinas, Cavite.

Umani ang singer/rapper na ito ng mga tagahanga, dahil sa nakakarelax nitong boses at sweet na pagkanta. Isa sa mga kantang tumatak sa Hip-hop fans ay ang Sige na sa kasalukuyan ay mayroon nang 4 million hits sa YouTube.

Ilan pa sa mga tracks ni Mhicaela ay ang Ulap, Lisette, Wala sa Sarili, Pagibig at Kapayapaan, at Puff na mapapakinggan sa kanyang official YouTube channel at sa aming ginawang Spotify Playlist.

Sa mga hindi nakakaalam, si Mhicaela ay lumabas rin sa music video ng kantang Ulan ng 1096 Gang member na si Guddhist Gunatita.