Icons Feed

Keep up with your idol!

King Badger, ipinapakulong ni Jelai Andres! May warrant of Arrest na!

King Badger

Hindi maikakailang isa sa mga naging relationship goals online ang mag asawang Jelai Andres at King Badger o Jon Gutierrez sa totoong buhay.

Hinangaan ng marami ang #JoLai couple at umasang may happily-ever-after ang dalawa.

Taong 2015 nang lumantad ang dalawa bilang couple at mula noon ay nasaksihan ng mga netizen ang mga pinagdaanan ng relasyon nila. Nang sumunod na taon, sa isang Facebook post ni Jelai ay sinabi nyang maghiwalay na nga sila ni Jon dahil umano sa panloloko nito at pagkakalink sa isang sikat na vlogger na pinatotohanan ng ilang fans at kaibigan ng aktres.

Nagkabalikan rin ang dalawa taong 2017 at nagpatuloy sa paggawa ng mga proyekto sa isang TV Network ng magkasama. Hanggang sa nagpropose si King Badger sa isang performance kasama ang grupo nyang Ex Battalion at naging engaged officially.

Dahil nga sa inspiring love story ng dalawa ay nafeature pa ito sa Magpakailanman. Namanhikan ang pamilya ni Jon kina Jelai nang sumunod na taon at ikinasal.

Ngunit tila sinusubok ang kanilang relasyon ng kumpirmahin ni Jelai sa isang post na may problema sila taong 2019. Lumutang ang isang video na naging ugat umano ng hiwalayan nilang mag asawa.

Nabuhayan naman ang mga shipper ng #JoLai ng magkaroon ulit ang mga ito ng pagkakataong magsama sa isang proyekto sa isang network. At sa lock in taping nga ay umasa ang mga fans na magkakaroon ang mga ito ng comeback dahil na rin sa ilang mga sweet na tiktok videos ng dalawa.

Inalayan pa ni Jon ang asawa ng isang kanta. At taong 2020 nang umamin ang mga ito na nagkabalikan na sila.

Ngunit sa pangatlong pagkakataon, ay tila naging hudyat na ng pagkaubos ng pasensya ni Jelai. Ang pagkakasangkot umano kasi ni King Badger sa influencer na si Yumi Garcia na menor de edad lang noon ang nagtulak sa aktres na tuluyan na ngang tapusin na ang relasyon nya sa rapper at magsampa ng kaso laban sa mga ito. Watch: Hiphop Update March 28 2021: King Badger, Jelai Andres

At nito nga lang nakaraang linggo ay naiakyat na sa Quezon City RTC ang mga kasong concubinage at paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act laban kay Jon.

Hindi na rin muna ito maaring lumabas ng bansa dahil sa paghain ng kampo ni Jelai ng motion for issuance of hold-departure order kontra kay Jon na isa umanong UK passport holder.

Agad namang sumuko ang ExB member nang makatanggap ng warrant of arrest at naglagak ng piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ayon sa abogado ni Jelai ay dapat lang na maparusahan ng batas sina Jon at Yumi. Hindi umano biro ang hirap ng pinagdaanan ng aktres at matinding trauma ang inabot nito sa pagtataksil ng dalawa.

Ipinagdiiinan naman ni Jelai na hindi umano nya iaatras ang kaso laban sa asawa na nararapat lang na maturuan ng leksyon.

Ayon pa kay Jelai, “Ang kasal ay isang sakramento, wag gawing normal ang pakiki-apid. Nawa’y maging isang leksyon ito sa mga may mister na pasaway at sa mga babaeng walang pakundangan makipag-relasyon sa mga lalaking alam naman nilang may asawa.

Bukod pa sa mga kasong ito, kasalukuyan na ring nasa proseso ang annulment ng kasal ng dalawa. Panoorin ang video sa ibaba:

Sa ibang balitang hiphop naman, AKT, ikinumpara ang FlipTop sa Sunugan. Mas malaki umano ang bigayan dito at may kontrata pa. Inamin nya rin na ayaw na hindi na sya nirereplyan ni Anygma sa kanyang messages dito. Read stories here: Founder ng Fliptop na si Anygma, ayaw nang kausapin si AKT?