Icons Feed

Keep up with your idol!

Skusta Clee, panay pacute lang daw sa social media pero ekis sa totoong buhay?

Skusta Clee, panay lang daw umano pacute sa social media ayon kay RC Blizz

Nito lang nakaraan ay trending ang interview ni Zeinab Harake sa “Toni Talks” dahil sa mga isiniwalat nito tungkol sa kanyang dating asawa na si Skusta Clee.

Sa nasabing interview ay emosyonal na ibinahagi ni Zeinab ang mga pinagdaanan nito sa rapper bago sila tuluyang maghiwalay.

Umani ng iba’t ibang reaksyon dito ang netizen pati na ang hip-hop fans.

Maging ang mga kapwa rapper ni Skusta Clee ay hindi narin napigilang magbigay ng kanilang saloobin sa nangyari at isa na nga dito si RC Blizz, kung saan sinabi nyang natapat daw si Zeinab sa artist na puro pa-cute lang daw sa social media, subalit ekis naman daw umano pagdating sa totoong buhay.

Para sa iba pang detalye, panoorin ang ang video ng aming pagtalakay tungkol dito.