Icons Feed

Keep up with your idol!

Battle rapper na si Papew, inaming kargado muna bago lumaban sa Fliptop

Huli sa isinagawang buy-bust sa Tanza, Cavite ang battle rapper na si Papew o Jasper Joshua Advincula sa totoong buhay.

Jasper Joshua Advincula aka Papew

Kasamang nitong nahuli ang alyas “Kakay” na si Ian Ramos IbaƱez na kapwa nasa drug watchlist ng Pulisya.

2-sachet ng shabu at buy-bust money na ginamit sa operasyon ang narekober sa dalawa.

Sa ulat ng pulisya ay inamin umano ng rapper na sa bawat salang nya sa rap battle na ina-upload sa YouTube ay kargado umano siya ng droga.

Matatandaan na ang rapper na si Papew ay matagal nawala sa social media at pinaghahanap ng mga kabusiness transaction nito sa kanyang printing shop na Tatak tanza. At isa na nga sa tinataguan nito ay ang rapper na si RC Blizz o Rafael Concepcion sa totoong buhay.

Si RC Blizz ay nagpagawa ng mga damit kay Papew para sa kanyang clothing line ngunit tinakbuhan lang sya nito matapos nya itong bayaran ng buo ayon mismo sa kanya.

Samantala, sasampahan naman ng kasong paglabag sa Sec 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 ang rapper na si Papew pati na ang kasama nito nahuli sa buy-bust sa Cavite.