Icons Feed

Keep up with your idol!

Ex-Fliptop rapper na si Papew, timbog sa Buy-bust sa Cavite

Timbog ang battle rapper na si Jasper Joshua Advincula na kilala bilang alyas “Papew” sa isinagawang Buy-bust sa Cavite.

9:45 ng gabi nang ilatag ng Tanza Police-Drug Enforcement Team ang buy-bust operation laban sa suspect.

Kasamang nahuli ng rapper ang alyas “Kakay” na si Ian Ramos Ibañez na kapwa nasa drug watchlist ng Pulisya.

Narekober sa kanila ang 2-sachet ng shabu at buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Sec 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2022 ang rapper pati na ang kasama nito.

Read: Battle rapper na si Papew, inaming kargado muna bago lumaban sa Fliptop