Icons Feed

Keep up with your idol!

GuthBen Duo

Member:
Guthrie Thirdy Nikolao
Benidic Fragata II

Ang GuthBen Duo ay ang nasa likod ng trending na kanta ngayon na “Baby Ko si Kulot”. Ang mga miyembro ng grupong ito na sina Guthrie Thirdy Nikolao at Benidic Fragata II ay parehong tubong Olongapo. Una silang nakilala sa paggawa ng mga song cover at mga TikTok compilation. Ang kanta nilang “Baby Ko si Kulot” ang isa sa mga pinagusapang kanta na inilabas nila kasama ang rapper na si Tyrone ng HipRap Fam na umani ng humigit kumulang 6 million hits sa Youtube sa kasalukuyan. Sa kabila ng mga negatibong opinyon ng mga basher nila, hindi nagpatinag ang GuthBen Duo at sa halip ay sinundan pa nila agad ito ng bagong single.

Read more article about Guthben Duo: