Icons Feed

Keep up with your idol!

Kiyo, humingi ng dispensa sa mga baguhang artists na kumanta ng ‘Baby Ko Si Kulot’

Trending ngayon sa social media ang pagmention ni Kiyo sa mga artist ng track na “Baby Ko Si Kulot” nang may kasamang mura. Marami ang nasa panig ni Kiyo at sang-ayon dito, ngunit may ilan din na hindi ikinatuwa ang sinabi na ito sa kanyang Facebook post.

Bilang sagot sa post ni Kiyo ay naglabas din ng saloobin ang GuthBen Duo. Kahit na baguhan man daw sila sa larangan ay huwag daw sila nitong mumurahin, dagdag pa nila sa kanilang sinabi ay tila nagkamali daw sila ng inidolo.

Maging ang featured artist nila sa kantang ito na si Tyrone na sya ding gumawa ng beat ng kanta ay tila dismayado din sa ginawa na ito ni Kiyo at nagbitaw din ng salita sa kanta. Alamin kung ano ang binitawang salita ni Tyron para sa kanya. Basahin dito: Tyrone to Kiyo

Humingi naman ng dispensa si Kiyo ng makarating sa kanya ang tungkol sa reaksyon ng mga artist na minura nya sa kanyang social media post.

ANONG NANGYAYARI,
mag eexplain ako haha kingina…
ganto kasi nangyari niyan,
“““
Hindi ko pa kayo napapakinggan nung shinare ko yan, at hindi ko po kayo kilala Guthben, di ko alam kanta nyo pala yan Guthrie, hindi kita minura dahil sa kanta mo kasi hindi ko naman alam na ikaw kumanta nyang nasa screenshot okay HAHA
bagong gising kasi ako kanina tangina tas napa fb ako nakita ko tong comment mo agad agad, wala naman mali sa sinasabi mo pre natawa lang kasi talaga ako sa sinabi mo sa dulo.
“nag ingles lang sa harapan mo nagpatuwad tuwad ka na sa tuwa ang hindi mo alam minumura ka na tanga” yan haha
pagkatapos nabasa ko ung pangalan mo Guthrie, pasensya na talaga tol nag papakatotoo lang ako. eto talaga yung nangyari, kaya kita minura , kasi dahil sa comment mo tas nakita ko ung pangalan mo ang haba eh tas bagong gising pa ko, naurat ako so ayan nalang kinaption ko. PERO MALI ako dun kaya sorry HAHAHA
kaya wag kayo magagalet di ko naman inaano kanta nyo kasi di ko naman kayo kilala at napapakinggan pa, peace :))))
salamat kasi idol niyo ko, haha

Ang kantang Baby Ko Si Kulot ay umabot na ng mahigit limang milyong hits sa YouTube at patuloy pa na nadagdagan sa kabila ng mga basher.