Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is Makagago

Makagago biography

Name: Mark Jayson Warnakulahewa
Born: October 26, 1991
Alias: Makagago, Hombre
Occupation: Rapper, songwriter, vlogger, host, businessman

Makagago Biography

Si Mark Jayson Warnakulahewa na kilala sa kanyang stage name bilang Makagago ay isang rapper, songwriter at vlogger na mula sa lugar ng San Pablo Laguna.

Si Mark Jayson ay tinaguriang Diss King noon dahil sa dami ng nagawa nyang rap na patama sa mga sikat o namamayagpag na rapper tulad nila Francis M, Anygma, Mike Kosa at ilan pang Fliptop artists tulad ni Apekz at iba pa. Pero ayon sa mga follower ni MKGG sa social media (Facebook at Youtube) at mga nakakakilala sa kanya ng personal, ay mabait na tao daw ito at ibang character ni Mark ang napapanood natin online.

Controversy

Dahil sa hindi maganda ang unang naging imahe ni Mark Jayson sa Rap scene, nahihirapan makakuha ng collaboration sa mga lahitimong rapper si MKGG at tila hindi sya welcome sa mga ito. Matatandaan na minsan na syang tinanggihan ni Anygma ng magsabi sya dito na gusto nyang makalaban ang rapper na si Loonie sa liga ng Fliptop. Minsan narin syang na-issue, nang ayain nya ng collaboration ang trending rapper na si Raf Davis ng VVS Collective pero, hiningian sya nito ng talent fee (Panoorin dito: Makagago, nakikipag collaboration kay Raf Davis, siningil ng TF)

Sa kabila nito ay mayroon parin mga lehitimong artist ang nagpaunlak kay Mark Jayson na gumawa ng kanta at isa na nga dito ang rapper na si Acepipes, pati na ang rapper/beatmaker na si RC Blizz.

Sa kasalukuyan ay hindi na aktibo sa paggawa at paglalabas ng rap music disstrack si Mark Jayson at mas nakatutok na sya ngayon sa paggawa ng mga vlog, reaction video at pati na sa kanyang Charity.

Read more